Pinadapa ng Milwaukee Bucks ang Charlotte Hornets sa NBA sa iskor na 130-106.
Naging tabla ang iskor ng dalawang team sa 1st quarter pero nagawang umabante ng Bucks sa 2nd at 3rd quarter dahilan ng kanilang pagkapanalo.
Nanguna sa koponan si Giannis Antetokounmpo na nagpakawala ng 26 points, 16 rebounds at 6 assists.
Nakaambag din sa Bucks sina Jrue Holiday na may 21 points, 6 rebounds at 8 assists at Khris Middleton na nakapagtala ng 20 points at 10 rebounds.
Abangan naman bukas ang susunod na laro ng Bucks kung saan, kanilang makakalaban ang Miami Heat alas-9 ng umaga, oras sa Pilipinas. —sa panulat ni Angelica Doctolero