Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na may sapat na tulong silang nakalaan para sa mga apektado ng bagyong Karen.
Sa panayam ng DWIZ kay DSWD Secrteary Judy Taguiwalo, aabot sa Isandaan at Pitumpung Milyong food pack ang nakakalat para agad ipamahagi sa mga apektadong lugar.
Bukod pa ito sa mahigit Limandaang Milyong Pisong standby fund para sa mga food packs at non food items na maaari ring ipamahagi.
Kasunod nito, nanawagan si Secretary Taguiwalo sa mga apektadong residente na sundin ang abiso ng mga awtoridad hinggil sa paglilikas.
By: Jaymark Dagala