Gagawing mas accessible ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa lahat ang mga serbisyo ng gobyerno sa bansa.
Kasunod ito ng direktiba ng pangulo sa lahat ng ahensya ng gobyerno partikular na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap at mga nakaranas ng mga nagdaang kalamidad.
Tiwala si PBBM na maihahatid sa publiko ang abot-kayang serbisyo sa lahat ng rehiyon sa bansa partikular na ang mga liblib o tagong lugar.
Nangako naman si Pangulong Marcos na mananatiling kasangga ng mga ahensya ng gobyerno ang kaniyang administrasyon sa pagbibigay ng maaasahang serbisyo sa bawat mga Pilipino.