Tumangging magpasok ng plea ang mga umano’y illegal recruiters ni Mary Jane Veloso.
Kaugnay ito sa kasong qualified human trafficking case na isinampa sa korte ng Nueva Ecija laban kina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao.
Dahil dito, sinabi ng Migrante na ang Nueva Ecija RTC Branch 37 na ang nagpasok ng not guilty plea para kina Lacanilao at Sergio.
Sina Sergio at Lacanilao ay sumalang sa arraignment matapos ibasura ng korte ang kanilang mosyon para maipagpaliban ang pagbasa ng sakdal sa kanila.
By Judith Larino | Bert Mozo (Patrol 3)