Alam mo ba na ang sobrang pagkain ng prutas ay pwedeng magpataba?
Bagaman masustansya ang mga prutas at mayaman sa bitamina at fiber, kailangan pa ring kontrolin ang dami pagkain nito.
Ayon sa mga eksperto, ilan sa mga prutas na nakakataba ay ang mangga, ubas, abokado, at prunes dahil sa mataas na calories na taglay nito.
Isa sa mga dapat gawin upang maiwasan ang pagtaba ng katawan ay bawasan ang pagkain ng dried fruits dahil mataas din ito sa calories kumpara sa sariwang prutas.
At para sa mga mahilig sa fruit shake, payo ng mga experts na bawasan ang inilalagay na asukal o syrup dahil ang labis na tamis ay maaaring magdulot ng sobrang timbang o diabetes. —Sa panulat ni Jordan Gutierrez




