Sisimulan na ng Department of Agriculture ang pagpapangasiwa sa paggawa ng mga farm-to-market roads simula sa susunod na taon.
Ito ang ikinumpirma ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Junior matapos malaman ng kanyang kagawaran na may mga anomalya silang napansin sa paggawa ng mga F.M.R. projects.
Ayon sa D.A., ang kanilang desisyon na direktang pangasiwaan ang pagpapatayo ng mga farm-to-market roads ay isang paraan upang tiyaking direktang masusuportahan ang mga magsasaka sa nasabing proseso.
Nakipagpulong din si Sec. Laurel kay Public Works Secretary Vince Dizon upang pag-usapan ang mga napansin nilang mga anomalya at kung paano isasalin ng D.P.W.H. sa D.A. ang pangangasiwa sa mga farm-to-market roads. —Sa panulat ni Anjo Riñon




