Mapapasabi ka na lang talaga ng ‘faith in humanity is restored’ kapag nakarinig ka ng ganitong uri ng mga kwento, kung saan ang mga taong hindi naman related by blood ay kusang nagtutulungan at sinasalo ang isa’t isa sa mga oras ng pangangailangan.
Kung ano ang detalye ng kwento, eto.
Naalarma ang mga crew ng isang sikat na pizza restaurant nang mapansin nilang labinisang araw nang hindi umoorder ang kanilang suki na si Kirk Alexander.
Tumatak na kasi si Alexander sa mga staff ng restaurant dahil sa loob ng sampung taon, araw-araw itong nagpapa-deliver ng pizza sa kaniyang bahay sa Salem, Oregon.
Pero isang araw, napansin ng ilan sa mga delivery riders ng kainan na hindi nila nakita ang order ni Alexander sa listahan ng mga natanggap nilang orders noong araw na ‘yon.
Dahil sa pagtataka, naisip ng general manager ng branch na si Sarah Fuller na tingnan kung ilang araw nang hindi umoorder ang kanilang suki.
Nagulantang na lang ang babae nang makitang labing-isang araw na itong hindi bumibili.
Matapos nito ay walang pagdadalawang-isip na nagtungo ang isa sa mga delivery rider sa bahay ni Alexander at inabutan niyang bukas ang ilaw at narinig ang TV nito ngunit walang kumikibo mula sa loob ng bahay.
Mabuti na lang at napagdesisyunan nila na humingi na ng tulong sa Marion County Sheriff dahil nang rumesponde ang mga ito, sakto naman na narinig nila ang boses ni Alexander mula sa loob ng bahay na humihingi ng tulong.
Natagpuan na lang nila ang lalaki na nasa isang sitwasyon na kung saan ay kinakailangan nitong makatanggap ng agarang medical attention.
Samantala, hindi naging malinaw kung ano ang dahilan ng pagkakaospital ni Alexander, pero ang mga crew ng restaurant, bagama’t abala sa trabaho ay naglaan ng oras para bisitahin ito kasama ang bulaklak at cards.
Sa mga may negosyo diyan, ganito niyo rin ba pahalagahan ang inyong mga suki?