Umaapela ang Metro Manila mayors sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na palawigin ang deadline sa pamamahagi ng ayuda sa mga apektado ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR Plus.
Ayon kay Parañaque City Maypr Edwin Olivarez, magpapadala siya ng sulat sa DILG para marekunsidera na mapalawig pa ang ika-15 ng Abril na deadline dahil hindi pa tapos ang pamamahagi ng ayuda.
Nagkaroon aniya ng problema ang ilang local government unit sa listahan ng beneficiaries.