Masayang pasko.
Ito’y ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos ang tinutumbok ng vaccination program kontra COVID-19 ng NCR.
Sinabi ni Abalos na nasa halos 44% na ng mga taga-Metro Manila ang fully vaccinated na at 76% ang naghihintay na lamang ng kanilang second dose.
Ipinabatid ni Abalos na nasa 11.7M COVID-19 vaccine doses na ang naiturok sa Metro Manila.
Una nang inanunsyo ni Abalos na nagkasundo ang local government units sa Metro Manila na bakunahan ang kani-kanyang mga residente.
Patapos na aniya ang pagbabakuna ng San Juan samantalang handa na ang Pateros at Mandaluyong na mag-bakuna ng non-residents.