Umapela ang isang transport group sa Administrasyong Marcos na pababain pa ang presyo ng produktong petrolyo at payagan ang mas marami pang pampublikong sasakyan na mag-operate kaugnay sa pagbubukas ng pasukan sa susunod na buwan.
Ayon kay PISTON National President Mody Floranda, welcome sa kanila ang panibagong tapyas-presyo sa martes pero nais ng grupo na umabot ito sa P37 hanggang P50 kada litro.
Aniya, tataas ang kita ng mga drayber kung patuloy na bababa ang presyo ng petrolyo.
Giit pa ni Floranda kailangan nila ang mas maraming public transport para patuloy na makapagsilbi sa publiko.
Nabatid na posibleng bumaba ang presyo ng disesel sa P1.70 hanggang P1.90 kada litro habang P4.70 hanggang P4.90 kada litro naman ang rollback sa gasolina sa Martes.