Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Pambansang Pulisya na isailalim sa audit ang lahat ng marked money na ginagamit sa lahat ng anti-drug operations.
Ito’y bago pa tuluyang ipatigil ng PNP o Philippine National Police ang pagpapatupad ng Oplan Tokhang upang magbigay daan sa isinasagawang internal cleansing sa kanilang hanay.
Nais malaman ng Pangulo kung saan napupunta ang nasabing mga pera at kung mayroong raket na ginagawa ang mga pulis sa kanilang mga operasyon.
Banta pa ng Pangulo, tiyak na sa sementeryo ang punta ng mga pulis na mapatutunayang binubulsa ang mga ginagamit na marked money.
By Jaymark Dagala | Report from: Aileen Taliping (Patrol 23)