Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na dalhin ang kanilang anak sa ospital at treatment center kahit minor injuries o galos lamang ang tinamo nito mula sa pagsabog ng paputok.
Sa isang press conference sa unang araw ng taong kasalukuyan, ibinabala ni Health Secretary Francisco Duque III na kahit nadaplisan lamang ang bata ay maaari itong mauwi sa malubhang komplikasyon tulad ng tetano.
Ang tetanus ay posibleng magdulot ng seryosong kondisyon na maaaring ikamatay ng tao kapag hindi nagamot lalo pa’t maaaring makapasok ang bakterya kahit sa maliit lamang na sugat ng pasyente.