Ibinida ng Malacañang na malapit nang masungkit ng Pilipinas ang upper-middle income threshold.
Sa pahayag ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro, sinabi niyang patunay lamang ito na nagsisikap ang administrasyon upang mapabuti ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng mga hamon.
Aniya, walang duda ang Malacañang na makakamit ng Pilipinas ngayong taon ang upper-middle income status lalo’t kulang na lamang ng 26 dollars ang bansa upang maabot ang pamantayan.
Gayunpaman, nilinaw ni Usec. Castro na sa Hulyo 2026 pa malalaman kung pormal na makakamit ng bansa ang nasabing estado.
—Sa panulat ni Jasper Barleta