Aabot sa mahigit tatlong libong silid-aralan sa bansa ang nasira bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng mga bagyo at habagat.
Ito ay batay sa Department of Education – Disaster Risk Reduction and Management Service, kung saan mahigit 1,700 ang may minod damage; mahigit limandaan ang may major damage; mahigit limandaan din ang tuluyang nawasak; at mahigit dalawandaang hygiene facilities ang napinsala.
Kaugnay nito, halos dalawampu’t limang libong paaralan na ang nag-suspinde na ng face-to-face classes; habang 131 na paaralan naman mula sa siyam na rehiyon ang ginagamit bilang evacuation centers.
Dahil dito, inatasan na ng DepEd ang mga field office nito upang i-activate ang mga contingency plan para sa posibleng pagbaha at landslide.
Gayundin ang pagtitiyak na ligtas ang mga learning material, school record, at kagamitan sa eskwela para maiwasan ang karagdagang pinsala.