Sangkaterbang aberya ang na-monitor ng Commission on Elections at poll watchdogs sa naganap na halalan.
Ayon sa comelec, umabot sa mahigit 300 automated counting machines ang pumalya sa buong bansa kung saan pinalitan ang dalawandaan sa mga ito.
Kabilang na rito ang mga ACM sa ilang presinto sa Zamboanga Del Sur, Ilocos Sur, Cagayan, Iloilo, Negros Oriental, Bohol, Aklan, at Lanao Del Norte.
Sa isang polling precinct naman sa laguna, nag-jam ang ilang voter verifiable paper audit trail o voter’s receipt.
Nakatanggap naman ang legal network for truthful elections o lente ng mga ulat kung saan dalawang balota ang naibibigay sa isang botante.
Ayon sa poll watchdog, posibleng ito ay dahil sa manipis na papel na ginamit para sa mga balota kaya nagkakadikit-dikit ang mga ito.
Samantala, isang sasakyan naman na may tarpaulin ng isang kandidato ang namataan sa Calabarzon, Bulacan at Pangasinan, kung saan namimigay rin ang ilang indibidwal ng flyer sa mga botante.