Niyanig ng Magnitude 5 na lindol ang Davao Occidental alas-7:16 kagabi.
Ayon sa PHIVOLCS, namataan ang pagyanig sa layong 132 kilometers silangan ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim na 137 kilometers ang lindol at tectonic ang origin o pinagmulan nito.
Naitala ang Intensity II sa General Santos City at Instrumental Intensity II sa Davao City, Davao del Sur; Kiamba, Malungon, at Sarangani habang Intensity I naman sa maasim, at Alabel, Sarangani; General Santos City, T’boli, Koronadal City, at South Cotabato.
Wala namang inaasahang damage sa lugar pero asahan ang aftershocks matapos ang pagyanig.