Hindi maiiwasan sa mga magkasinatahan, lalo na sa mga mag-asawa, ang pagtawag ng cute nicknames o endearments sa kanilang mga partner. Bilang nakasanayan na ito ng marami, ni minsan ba ay sumagi sa isip mo na magiging dahilan ito ng hiwalayan? Ganyang-ganyan ang nangyari sa isang mag-asawa sa Turkey at ngayon, pinagbabayad ng korte ang mister nang dahil lang sa inilagay nitong pangalan ng kaniyang misis sa kaniyang contacts list.
Kung ano nga ba ang nickname na dinibdib ng misis, eto.
Nakatanggap ang Court of Cassation ng Turkey ng isang pambihirang kaso ng divorce na nag-ugat sa ibinigay na nickname ng isang mister sa kaniyang misis.
Madalas ay babe, honey, love, o darling ang naririnig nating tawagan ng mga magkasintahan o mag-asawa. Pero sa kwento kasi na ito, ‘chubby’ lang naman ang ginawang contacts name ng lalaki para sa kaniyang misis.
Ang unusual endearment na ito, hindi ikinatuwa ni misis dahil para sa kaniya, nakakabastos ito at nakakawala ng respeto. Nakikita rin niya itong dahilan para magkaroon ng lamat ang kanilang relasyon.
Kung inaakala niyo na sa paningin lang ng mga babae nagkakamali ang mga lalaki, pwes, sa kasong ito, lalaki pa rin ang mali sa mata ng korte.
Mali umano na pinangalanan nitong chubby ang kaniyang asawa, at bilang kaparusahan, inatasan ng korte na magbayad ang lalaki ng financial compensation for material and moral damages sa kaniyang ex-wife.
Dahil sa kasong ito, kailangan nang simulang mag-ingat ng mga kalalakihan sa Turkey sa paglalagay ng nickname ng kanilang misis kahit pa sa cellphone lang ito.
Ikaw, sa paanong paraan mo ina-address ang partner mo? Sigurado ka ba na hindi ito labag sa loob niya? Sige ka, baka bigla ka na lang ding hiwalayan at pagbayarin.