Kinasuhan ng graft at neglect of duty ng isang transport organization si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III.
Isinampa ng grupong ACTO o Alliance of Concerned Transportation Organization ang reklamo laban kay Delgra at board members na sina Engr. Ronaldo Corpus at Atty. Lourdes Lizada dahil sa kabiguan umano ng mga ito na aksyunan ang inihain nilang mosyon noong Mayo 2016 na humihiling na taas-presyo sa pasahe.
Ayon sa ACTO, naghain muli sila ng provisional fare hike noong Disyembre ng nakalipas na taon, subalit wala rin anilang tugon dito ang ahensya.
Bukod dito, hiniling din ng grupo na patawan ng preventive suspension ang tatlong nabanggit na opisyal ng LTFRB.
By Meann Tanbio