Bumuwelta si Pangulong Rodrigo Duterte sa banta ni CPP-NPA Founding Chairman Jose Maria Sison na papatay ng isang sundalo kada araw kung hindi ipagpapatuloy ng pamahalaan ang peacetalks sa komunistang grupo.
Ayon sa Pangulo, hindi rin siya mangingiming i-utos sa militar na pumatay ng limang rebelde kapalit ng isang sundalong mapapatay ng NPA kada araw.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag nang humarap siya sa mahigit 200 mga dating miyembro ng NPA na nagbalik loob na sa pamahalaan kahapon sa Palasyo ng Malakaniyang.
Binanatan din ng Pangulo si Sison na nagaambisyong palitan umano siya sa Malakaniyang at masolo ang kapangyarihan bilang pinakamataas na pinuno ng bansa.
Posted by: Robert Eugenio