Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Lider ng Jeepney Driver Association sa Balintawak, Patay

by DWIZ 882 October 5, 2021 0 comment
JEEP 2

Namatay ang isang lalaki sa loob ng ospital na biktima ng riding in tandem sa Barangay Unang Sigaw, Balintawak Quezon City.

Kinilala ng mga kaanak ang biktima na si Jessie Dela Cruz, apat na put limang taon gulang, at Presidente ng isang asosasyon ng mga jeepney driver.

Ayon sa mga kaanak, galing sa birthday party sa caloocan ang biktima  nang harangin at pagbabarilin ng dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Naisugod naman sa ospital ang biktima ngunit binawian rin siya ng buhay matapos magtamo ng walong tama ng bala sa kaniyang tagiliran at dibdib.

Patuloy pa rin na iniimbestigahan ng Quezon City Police District (QCPD) ang nasabing insidente. —sa panulat ni Airiam Sancho

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment