Kapag ayaw mag-anak, mag-ingat! O kung ano pa man ang dahilan mo, wag kang tatakas o magdadahilan kapag nakabuo ka. Hindi katulad ng lalaking ito na pineke ang kaniyang DNA test para lang makatakas sa pagbibigay ng suporta sa kaniyang anak na iniwanan niya tatlong araw matapos ipanganak.
Ang kinahinatnan ng lalaki, eto.
Taong 2022 nang makipaghiwalay sa 31-anyos na si Chelsea Miller mula sa United Kingdom ang kaniyang nobyo na si Sheldon B., tatlong araw lang matapos niyang isilang ang kanilang baby boy.
Bukod sa pangit na timing ng lalaki, itinanggi pa nito na siya ang ama ng bata, at may lakas pa ito ng loob na mag-demand ng paternity test. Pero si Chelsea, kumpiyansa at sigurado na si Sheldon ang ama ng kaniyang anak.
Pero ganon na lang ang gulat ni Chelsea nang magharap sila sa korte ni sheldon dahil ayon sa resulta ng paternity test, hindi ito ang ama ng kaniyang anak.
Dahil sa hindi kapani-paniwalang resulta ng DNA test, nakiusap si Chelsea sa nanay ni Sheldon para hingin ang DNA nito at ipinasuri sa isang laboratory.
Sa huli, napaamin na lang si Sheldon na pineke niya ang ginawa niyang paternity test sa pamamagitan ng pakikipagkuntsaba sa isang empleyado sa laboratoryo.
Ang resulta kasi ng DNA test ng nanay ni Sheldon, malinaw na lumabas na apo niya ang anak ni Chelsea.
Nagawa umano ito ng lalaki para tumakas sa pagbabayad ng child support.
Samantala, pinatawan na ng 50 weeks at 33 weeks na pagkakakulong dahil sa paglabag sa conspiracy to commit fraud ang mga kinuntsaba ni Sheldon kasama na ang kaniyang tiyahin na mayroong koneksyon sa lab employee.
Sa mga may kasintahan diyan, bago mag-anak, siguraduhin niyo muna na hindi tatakas sa responsibilidad ang partner niyo.