Nauwi sa pagluluksa ang pamamasyal ng grupo ng mga bikers sa India nang masawi ang isa nilang kasamahan habang nagsi-swimming, ngunit hindi ito dahil sa pagkalunod, kundi dahil nag-dive ito sa swimming pool na hindi naman pala malalim.
Ang buong kwento, eto.
Isang tanghali matapos kumain ng grupo ng mga bikers sa isang private resort sa Karnataka, India, naisipan ng isa sa mga ito na kinilalang si Nishant, 35-anyos, na mag-swimming.
Sa isang video na inilabas ng mga otoridad, makikita na sabay-sabay na lumingon at nanood ang mga kasamahan ni Nishant nang mag-dive ito sa swimming pool.
Matapos ang ilang sandali, naalarma ang mga ito nang hindi na umahon pa ang lalaki kung kaya agad silang lumusong sa swimming pool para iahon si Nishant na nawalan na ng malay.
Napag-alaman na 5’10 ang height ni nishant at 4.5 feet lang ang lalim ng tinalon nitong swimming pool.
Ayon sa mga doktor, tumama raw ang lalaki sa sahig ng pool na siya namang nagresulta sa tinamo nitong injury sa spinal cord.
Samantala, hindi na raw nagkaroon pa ng improvement sa kalagayan ni Nishant at sa kasamaang palad ay nasawi habang inililipat ng ospital.
Hindi rin nagsalita ang pamilya ni Nishant at ang panig ng private resort kaugnay sa insidente.
Sa mga mag-a-outing ngayong bakasyon, magiging extra careful na ba kayo matapos marinig ang kwento na ito?