Mahigpit na tinututukan ni Senador Panfilo Lacson ang panukala ng Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang ilang civilian organization partikular ang tinaguriang anti-crime volunteers.
Iginiit ni Lacson na ang nasabing hakbang ay magpapataas lamang ng krimen lalo nat kung walang ramang training at hindi maayos ang pag-iisip nang paghahawakin ng armas.
Binigyang diin ni Lacson na mas epektibong solusyon sa patuloy na paglaganap ng krimen ang mas mahigpit na gun control measure o kaya ay kanselahin ang permits to carry firearms outside residences.
Nuong panahon aniya niya bilang PNP Chief ay nilimitahan niya ang pag i-isyu ng permits to carry firearms outside residences at tanging nakakakuha nito ay mga pumapasa sa mga alintuntunin na kinabibilangan ng gun safety seminars, practical at neuro psychiatric tests at pinakamahalaga ay ang personal appearance ng mga aplikante.— ulat mula kay Cely-Ortega-Bueno (Patrol 19)