Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino president, Atty. Luke Espiritu, na kailangan aralin ng Korte Suprema ang inihain ng Kamara na motion for reconsideration kaugnay sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Ito’y matapos magkaroon ng mga sinasabing butas sa pinagbasehang ebidensya ng Supreme Court para sa desisyon nito sa naturang kaso bilang “unconstitutional.”
Kaugnay nito, umaasa si Atty. Espiritu na posible pang baguhin ng Korte Suprema ang kanilang pasya kahit pa inabot ito ng 13-0 vote.
Binigyang-diin ng abogado na ang Kataas-taasang Hukuman ay may kakayahang magsagawa ng self-correction, at may mga pagkakataon na binabago nila ang kanilang mga ruling batay sa mas tamang paghihimay sa mga ebidensya.