Dapat i-respeto ng mga nasa oposisyon ang karapatan ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mag tapyas sa budget ng ilang proyekto sa distrito ng mga nasabing kongresista.
Binigyang diin ito ni Alvarez dahil hinahayaan naman niyang magsalita ang mga nasa oposisyon kasunod nang pinaiiral na demokrasya sa ilalim ng kaniyang pamumuno.
Sinabi ni Alvarez na binawasan niya ng budget ang ilang distrito dahil ang mga kinatawan nila sa Kamara ay kumokontra sa Pangulong Rodrigo Duterte at administrasyon nito.
Sagutin aniya ng opposition congressmen sa kanilang constituents ang mga hakbangin ng mga ito.
Ayon pa kay Alvarez, hindi niya maipapaliwanag sa kaniyang mga kapwa administration congressmen ang halos 4 billion pesos na inilaang budget para sa infrastructure projects sa distrito ni Albay Congressman Edcel Lagman.
—-