Pasok bilang contenders para sa Kia Most Valuable Player award sina Golden State Warriors standout guard Stephen Curry at centers Nikola Jokic ng Denver Nuggets at Joel Embiid ng Philadelphia 76ers.
Ayon sa liga, sina Curry, Jokic, at Embiid ang mga finalists para sa nasabing parangal.
Pag-aagawan din ang NBA Coach of the Year, Kia NBA Defensive Player of the Year, Kia NBA Most Improved Player, Kia NBA Rookie of the Year at Kia NBA Sixth Man.
Kabilang naman sa Sixth Man contenders sina Jordan Clarkson at Joe Ingles ng Jazz at Derrick Rose ng Knicks.
Pinagpipilian bilang coach of the Year sina Quin Snyder, Utah Jazz; Tom Thibodeau, New York Knicks; at Monty Williams, Phoenix Suns habang Defensive Player of the Year naman sina Rudy Gobert, Jazz; Draymond Green, Warriors; at Ben Simmons, 76ers.
Ang mga kandidato naman bilang Most Improved Player sina Jerami Grant, Detroit Pistons; Michael Porter Jr., Denver Nuggets; at Julius Randle, New York Knicks habang ang finalists para sa Rookie of the Year ay sina LaMelo Ball, Charlotte Hornets; Anthony Edwards, Minnesota Timberwolves; at Tyrese Haliburton, Sacramento Kings.
Wala pang pahayag ang NBA kung kailan i-aanunsiyo ang mga winnners sa mga nasabing parangal.