Itinakda na sa Oktubre 4 ang pagpili ng magiging kapalit ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga.
Ayon kay Chief Cabinet Secretary Katsunobu Kato, magkakaroon muna ng kampanya at isasagawa ang nominasyon ng bagong punong ministro sa Oktubre 17.
Magsasagawa naman ng sariling halalan ang ruling Liberal Democratic Party upang piliin ang kapalit ni suga sa september 29 at sinumang mahalal ay i-e-endorso sa diet o parliyamento.
Matapos ang nominasyon ay isang general elections naman ang ilalarga sa Nobyembre.
Una nang nagpasya si Suga na umatras sa pagtakbo sa re-election bilang party leader dahil sa mababang approval ratings at bunsod ng lumalalang COVID-19 pandemic.—sa panulat ni Drew Nacino