Ika nga nila, it’s better late than never. Pinatunayan yan ng isang dating guro na piniling magpadala sa agos ng tubig at maglayag ng mahigit sampung taon para buhayin ang dati na niyang pangarap.
Ang inspiring na kwento ng babae, eto.
Oktubre itong nakaraang taon nang maglayag ang Caribbean boat na Villa Vie Odyssey para bumyahe patungo sa 147 bansa at bisitahin ang 425 na mga lugar nito.
May kakayahang magsakay ng 650 pasahero ang barko at kabilang doon ang 77-anyos na retired high school foreign language teacher na si Sharon Lane na ginamit ang kaniyang savings para maglayag sa loob ng labinlimang taon at maninirahan sa binili niyang interior villa sa barko.
Ayon kay Sharon, mas makakatipid siya kung sa barko siya maninirahan at para sa kaniya, mas mura ang cost of living dito.
Isa rin itong dream come true para sa dating teacher dahil nagagawa niya na rin sa wakas ang matagal na niyang gustong gawin.
Sa pagsampa nito sa barko noong june 16, nabisita na ni sharon ang Vancouver hanggang Alaska, at sunod naman silang lalayag patungong Japan at Taiwan.
Samantala, sa one-time fee na binayaran ni Sharon na nagkakahalaga ng $129,999 o may katumbas na mahigit 7 million pesos ay maeenjoy na ng pasahero ang mga facilities katulad ng library, fitness center, spa, pickleball court, swimming pool, entertainment lounges, clubs, at higit sa lahat, kasama na rito ang wifi.
Sa mga may savings na riyan, saan niyo balak gamitin ang inipon niyong pera? Make sure na bukod sa secured future, wag niyong kakalimutan na mag-enjoy.