Timbog ang isang retiradong pulis dahil sa umano’y pangongotong sa mga bumibiyaheng truck kasunod ng ikinasang entrapment operation sa Laguna.
Kinilala ang suspek na si Mariano Garcia, dating nakatalaga sa Police Regional Office (PRO) 4A.
Ayon kay PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group o IMEG director Brig. Gen. Thomas Frias, huli sa akto si Garcia habang tinatanggap ang pera ng complainant sa isang gasoline station sa Barangay Calo sa bayan ng Bay.
Sinasabing kinokotongan ni Garcia ang mga cargo trucks na bumibiyahe mula Batangas at Quezon province patungong Laguna.
Nanghihingi umano si Garcia ng P40,000 kada linggo sa bawat operator upang hindi maabala ang mga ito sa mga daraanang checkpoint sa nasabing lalawigan.