Inatake ng armadong grupo ang isang pampublikong eskuwelahan sa katsina state sa Northern Nigeria.
Batay sa ulat, walang habas na pinagbabaril ng mga nakamotorsiklong armadong kalalakihan ang government science secondary school sa bayan ng kankara at tinangkang pasukin.
Dahil dito walang nagawa ang pulisya at militar kundi ang makipagbakbakan sa armadong grupo.
Tumagal ng halos isang oras at kalahati ang palitan ng putok bago umatras ang mga salarin.
Sa kasalukuyan, patuloy pang inaalam ng mga Nigerian authorities kung mayroong dinukot na mga estudyante ang grupo gayundin ang mga nasugatan o nasawi sa bakbakan.