Sabi nga nila, kung hindi pa handang magka-anak, maging maingat. Hindi ‘yung pababayaan na lang basta-basta ang mga batang walang muwang. Katulad ng mga magulang na ito sa india na itinapon ang kanilang anak sa bintana matapos itong isilang sa bus.
Kung ano ang kinahinatnan ng baby, eto.
Isang umaga, nasa byahe ang 19-anyos na kinilalang si Ritika Dhere kasama ang umano’y asawa niya na si Altaf Shaikh sakay ng isang bus mula sa Pune patungo sa Parbhani.
Lulan ang dalawa ng isang sleeper coach o ‘yung uri ng bus na kung saan ang mga pasahero ay maaaring matulog nang komportable dahil mas applicable itong gamitin sa long drives.
Sa kalagitnaan ng byahe, nakaramdam ng sakit si Dhere at nagsimulang mag-labor. Hindi nagtagal, isinilang niya sa loob ng bus ang isang baby boy.
Habang dumadaan sa Pathri-Selu Road, isang tao ang nakapansin ng isang tela na ibinato mula sa bintana ng isang umaandar na bus.
Sa tulong ng taong ito, nakarating sa mga pulis ang insidente at nadiskubre na ang ibinato palang tela ay naglalaman ng isang bagong-silang na sanggol.
Samantala, hawak na ng mga otoridad sina Dhere at Shaikh na sinasabing sila ay magkasintahan, pero nang hingan ng mga dokumento ang mga ito na magpapatunay na sila ay ikinasal sa isa’t isa, wala naman silang maipakita.
Nang tanungin naman kung bakit nagawang itapon ng mga ito ang bata sa bintana, inamin umano ng dalawa na ito ay dahil hindi nila kayang buhayin ang sanggol.
Sa kasamaang palad, nagtamo ang baby ng injuries matapos ibato sa kalsada at binawian ng buhay.
Paalala lang, kung hindi pa handa sa isang lifetime responsibility katulad ng pagiging isang magulang, maging mas maingat. Tandaan, hindi ito isang laru-laro lang dahil buhay ng tao ang nakasalalay dito.