Isang bangkay ng babae na nakabalot sa kumot ang natagpuan sa isang fishpond sa Valenzuela City.
Kinilala ang biktima na si Rosalie Mission Sagal na residente ng North Bay Boulevard South, Navotas City.
Ayon sa Valenzuela City PNP, nagsasagawa ng clearing operations ang mga tauhan ng Waste Management Office ng lungsod sa mga water lily sa fishpond sa Barangay Pasolo nang makita ang bangkay.
Hulyo 20 pa nang iulat ng mga kapamilya ng biktima na nawawala ito.
Lumabas naman sa imbestigasyon ng pulisya, inamin mismo ng isang alyas “Jan’ na sinasabing boyfriend ng biktima ang krimes na boluntaryo namang nagtungo sa isang rehabilitation center sa Magalang, Pampanga noong Hulyo 26.