Iminungkahi ng isang dating Supreme Court Chief Justice sa mga kasalukuyang mahistrado ng Korte Suprema na muling suriin ang desisyon nito kaugnay sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni former Chief Justice Reynato Serrano Puno na tila kulang ang facts na pinag-basehan ng Kataas-taasang Hukuman sa pagdedeklarang unconstitutional ng impeachment case ng Bise Presidente.
Bukod dito, naniniwala ang dating Punong Mahistrado na labis ang ginawang tungkulin ng Supreme Court sa kaso ng Bise Presidente.
Naniniwala rin ni former Chief Justice Puno na tagilid ang desisyon ng Korte Suprema na nagsasabing ‘deemed dismiss’ ang in-archive na unang tatlong impeachment case na ihain laban kay VP Sara.