Pabor si Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development Chairman Erwin Tulfo na magpatuloy ang impeachment ni Vice President Sara Duterte, sa kabila ng deklarasyon ng Korte Suprema na unconstitutional ang impeachment case ng Bise Presidente.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Sen. Tulfo na kung magpapatuloy ang impeachment proceedings laban kay V.P. Sara ay magkakaroon ito ng pagkakataon para malinis ang kanyang sarili.
Dagdag pa ni Sen. Tulfo, handa siyang lumagda sa sinasabing resolusyon na ipinaikot sa Senado na layong ituloy ang impeachment ng Bise Presidente, basta naaayon aniya ito sa kanyang paniniwala.