Nagsama-sama sa isang press conference ang puwersa ng mga pangunahing grupo ng mga manggagawa sa ilalim ng National Wage Coalition upang i-anunsyo ang kanilang nakatakdang Labor Day Mobilization.
Lalahok sa naturang protesta ang Bukluran ng Manggagawang Pilpino (BMP), Kilusang Mayo Uno (KMU). Nagkaisa! Labor Coalition, at ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).
Layon ng nasabing mobilization na kalampagin ang pamahalaan na kaagad na isabatas ang 200 pesos dagdag sahod para sa mga manggagawa sa ilalim ng mga pribadong sektor sa buong bansa.—sa panulat ni Jasper Barleta