Pag-aaralan ng Malakanyang ang mungkahi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na bigyan siya ng Pangulo ng kapangyarihang magpasya sa suspensyon ng klase tuwing may masamang panahon o kalamidad.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, wala pang opisyal na pahayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa hiling ng kalihim, ngunit bukas aniya ang Palasyo na talakayin ito, lalo na kung makatutulong sa mas maraming Pilipino.
Habang wala pang bagong sistema, nananatili ang kasalukuyang polisiya kung saan nasa mga lokal na pamahalaan at mga pinuno ng mga concerned agencies ang desisyon sa suspensyon ng klase.
Hinikayat din ng Palasyo ang mga LGU na agad maglabas ng abiso upang maiwasan ang abala sa mga estudyante at magulang.