Makararanas ng mga bahagyang pag-ulan ang Hilagang bahagi ng Luzon ngayong Huwebes dulot ng Low-Pressure Area o LPA at hanging habagat ayon sa PAGASA.
Magdadala ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang naturang LPA sa rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Abra, Apayao at Kalinga.
Habang may makararanas naman ng bahagyang maulap na papawirin at manaka-nakang pag-ulan ang kalakhang Maynila .
Tinatayang may layong 520 kilometro sa Silangan ng Basco, Batanes ang naturang Low Pressure Area.