Umamin ang Firearms and Explosives Office na nagkaroon nga ng system glitch o problema sa kanilang online system at sang-ayon ito kay PCol. Paul Kenneth Lucas ang hepe ng PNP Firearms and Explosives Office (FEO).
Sinabi ni Col. Lucas sa isang panayam na naimpormahan siya ng mga taga FEO IT at napagalaman na nagkaroon ng problema matapos ang system upgrade at migration na isinagawa ng Firearms and Explosive Office.
Ayon nga kay Col. Lucas, double-time na inaayos ng FEO IT provider ang online system ng FEO at humingi ng paumanhin sa publiko lalong-lalo na sa mga nagmay-ari ng baril na naapektuhan ng system glitch at nadagdagan ng mga baril ang kanilang online registration.
Humihingi ng pag-intindi si Col. Lucas sa mga naapektuhang mga tao at sinisikap nila na maayos ang online system ng FEO bago nila muling buhayin ang kanilang online system at tinitiyak na ito ay maayos sa lalong madaling panahon. —ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45)