Alam mo ba na ang bawang o garlic ay isang sangkap na karaniwang ginagamit sa ulam na pam-Pinoy. Maliban sa aroma at lasang nabibigay nito, masustansya rin ito.
Nagtataglay ito ng diallyl disulfide, isang sulfur compound na may anti-cancer properties na nakakapagbaba ng carcinogen sa katawan.
Kasama sa sustansya ng bawang ang allicin, isang antimicrobial property na may kakayahang pumatay o pigilan ang paglaki ng iba’t ibang uri ng mikrobyo, tulad ng bacteria, fungi, viruses, at parasites.
Bukod pa rito, may vitamin C ito na nakakapagpatibay ng ating immune system at nakakapagpabawas ng cholesterol.
Ang bawang ay hindi lang basta nagbibigay ng sarap sa iyong ulam, isa rin itong halamang gamot laban sa sakit, at kilalang pangontra sa aswang.