Tututukan ng Bureau of Immigration ang mga sindikatong nagtatangkang magpalusot ng kanilang mga narecruit na biktima ng human trafficking.
Ito’y ayon sa immigration matapos magdagdag ng may 99 na bagong immigration officers sa mga paliparan.
Sinabi ng immigration na paghahanda nila ito sa sandaling buksan nang muli ang borders ng Pilipinas kung magluluwag na ito ng quarantine status.
Partikular na babantayan ng immigration ang pagbubukas muli ng operasyon ng international at domestic airlines sa mga paliparan.