Isinusulong ni Senador Cynthia Villar ang panukalang Free Index-Based Agriculture Insurance Act.
Ito, ayon kay Villar, ay para kaagad makabangon ang mga magsasakang sumasadsad ang kabuhayan dahil sa mga kalamidad at may matatakbuhan sa tuwing nape-perwisyo ang kanilang mga produkto.
Sinabi ni Villar na kung magiging mabilis ang pagbangon ng mga magsasaka, hindi na maaapektuhan ang supply ng mga produktong pang-agrikultura.
Tinukoy ni Vllar, chair ng Senate Agriculture Committee na noong nakalipas na taon, nagbayad ang Philippine Crop Insurance Corporation ng mahigit P3.3-B sa mga pinsalang idinulot ng mga kalamidad sa mga pananim at ari-arian ng mga magsasaka at mangingisda.
Nais aniya niyang magkaroon ng P6-B risk management fund na maaaring magamit hanggang sa halos 3-M ektarya ng masasalantang taniman.