Handa na muling bumalik sa boxing si dating super welterweight champion Floyd Mayweather Jr, mula sa isa’t kalahating taong retirement.
Aminado si Mayweather na punung-puno na siya sa mga patutsada at paghahamon ng mixed-martial artist na si Conor McGregor kaya’t pagbibigyan niya ito.
Ayon kay Prettyboy, handa niyang harapin si McGregor sa Hunyo basta’t ma-plantsa lamang ang mga dokumento at kasunduan ng kani-kanilang promoter para matuloy ang laban.
By Drew Nacino