Aalamin ni Health Secretary Francisco Duque III ang katotohanan sa report na hindi pa nakakatanggap ng kanilang SRA special risk allowance ang ilang healthcare workers para sa taong 2020.
Ito ayon kay Duque ay dahil sa pagkakaalam nya ay naipalabas na sa DOH regional offices ang pondo sa sra para sa nakalipas na taon.
Ang mga tanggapan nila aniya sa ibat ibang panig ng bansa ang siyang magpapalabas ng sra fund sa mga ospital.
Una nang isinulong ni Congressman Alfred Delos Santos ang imbestigasyon sa delay sa pagpapalabas ng SRA ng health workers.