Nakahanda ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa posibleng maging epekto ng bagyong Maymay partikular na sa Luzon area.
Batay sa monitoring ng DPWH-Quirino District Engineering Office (DPWH-QDEO), nagkaroon ng major landslide sa kanilang lugar maging sa Aurora dahil sa walang tigil na malalakas na pag-ulan.
Ayon sa ahensya, apektado ang mga pangunahing kalsada lalo na sa daan na nagkokonekta sa dalawang nabanggit na probinsya.
Dahil dito, isinara muna pansamantala ang naturang kalsada bunsod narin ng pagbagsak ng mga putik at bato mula sa kabundukan kasabay ng nagpapatuloy na road rehabilitation.
Samantala, binalaan naman ng DPWH ang publiko na iwasang dumaan sa naturang kalsada dahil hindi pa ito ligtas na daanan ng mga tao at sasakyan.