Inalis na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang deployment ban sa mga Pinoy nurses sa Micronesia.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang lifting ng ban ay batay na rin sa rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa ahensya.
Ayon kay Bello, mahigpit nang pinag-aaralan ng kanilang technical working group ang nasabing hakbang.
Magugunitang ipinagbawal ng DOLE ang pagpapadala ng Pinoy nurses sa Micronesia dahil sa mga reklamo kabilang na ang mababang sahod.
DFA itinaas ang sitwasyon sa Libya sa alert level 3
Samantala, itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa alert level 3 ang sitwasyon sa Libya.
Ito ang nagtulak sa Department of Labor and Employment (DOLE) para magpatupad ng deployment ban sa Libya dahil sa kaguluhan dito at mga insidente nang pagdukot sa mga Pilipino.
Samantala, inalis na ng DOLE ang deployment ban sa Pinoy nurses sa Micronesia base na rin sa rekomendasyon ng DFA.
Una nang nagpatupad ng deployment ban sa Micronesia dahil sa mga reklamo ng mababang pasahod sa Pinoy nurses.
—-