Kung takot kang magpagamot dahil sa takot sa tumataginting na gastos, magpapasalamat ka kapag nakilala mo ang doktor na ito mula sa baltimore dahil pumapayag lang naman ito na hindi magbayad ang mga pasyente na alam niyang wala talagang kakayahan na magbayad.
At ang mga pasyente na ito, mayroong ginawang espesyal para sa generous na doktor matapos nitong magkasakit.
Kung ano ang ginawa ng mga pasyente, eto.
Maswerte ang mga residente sa isang barangay sa baltimore dahil mayroon silang resident doctor. Ito ang 66-anyos na si Dr. Michael Zollicoffer o mas kilala bilang Dr. Z.
Isa itong private family practitioner na hindi lamang magaling sa pagseserbisyo kundi mayroon ding mabuting puso. Si Dr. Z kasi, pumapayag na hindi magbayad ang kaniyang mga pasyente.
Sa isang pahayag, sinabi niya na hindi mahalaga ang pera at willing pa rin siyang i-checkup ang mga pasyente kahit wala itong pambayad.
Pero si Dr. Z, nangangailangan din pala ng tulong at ng kalinga ng isang doktor dahil mayroon pala itong iniindang renal at rectal cancers.
Sa kasamaang palad walang kakayahan ang doktor na ito na bayaran ang kaniyang treatments at mayroon din umanong issue sa medicare plan nito.
Pero ang mga pasyenteng hindi pinagdamutan ni Dr. Z, hindi rin siya iniwan sa kaniyang laban dahil nagsagawa ang mga ito ng crowdfunding campaign na nakalikom na ng mahigit two hundred thousand U.S. dollars o mahigit 15 million pesos.
Ayon sa mga pasyente ni Dr. Z, hindi nila susukuan ang lalaking tumulong sa kanila at gagawin nila ang lahat para mailigtas din ito at makawala na sa cancer.
Sa mga future medical practitioners diyan, ano ang adbokasiya niyo? Willing din ba kayo na gamutin nang libre ang mga higit na nangangailangan?