Target ng Department of Health na mabigyan ng bakuna ang 95% sa bawat dalawang milyong batang Pilipino.
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, isa sa pinaka-mahalagang public health programs sa bansa ang pagbabakuna lalo na’t sinasabing ang hindi pagbabakuna ay isa sa mga dahilan sa pagkamatay ng mga kabataan na tinatamaan ng vaccine-preventable illness.
Alinsunod ang naturang hakbang sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ika-apat na SONA na makumpleto at mapabilis ang proseso ng pagbabakuna sa mga bata.
Nagpaplano na rin anya ang DOH para sa ilang programa upang matugunan ang kautusan ng Pangulo tulad ng School Aid Vaccination, Vaccine Catch-ups, gayundin ang pakikipag-ugnayan sa mga Local Government Units upang agarang maabot ang kanilang vaccination targets.
—sa panulat ni Mark Terrence Molave