Bumaba muli sa 2,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kahapon.
Sa datos ng Department of Health (DOH) , bumaba sa 1,750 ang new COVID-19 infections, ang ikalawang araw na hindi lumampas sa 2,000 ang bilang ng kaso.
Sumadsad pa sa 22,899 ang active cases kahapon kumpara sa 23,272 noong Martes.
Samantala, nakapagtala rin ang kagawaran ng panibagong 2,025 na gumaling sa COVID-19, kaya’t sumampa na sa kabuuang 3, 811,000, 475 ang recoveries.
Tumungtong naman sa 62,167 ang COVID death toll matapos madagdagan ng 40 habang lumobo na sa 3,896,000,541 ang total case load.