Sino ba naman ang hindi gugustuhin na magkaroon ng peaceful at hindi crowded na learning environment? Ganyan ang experience ng dalawang bata na ito sa kanilang eskwelahan sa scotland. Paano nga ba naman ito hindi magiging peaceful kung dadalawa lang silang estudyante rito.
Kung paano ito nangyari? Eto.
Taong 1877 nang itayo ang Duror Primary School sa West Highlands, Scotland na ngayon ay nasa 148 taong gulang na.
Kadalasan ay tinatangkilik ng maraming estudyante ang mga lumang eskwelahan dahil sa legasiya nito at subok na ang serbisyo at turo. Pero kabaliktaran nito ang sitwasyon ng Duror Primary School.
Maliit lang kasi ang paaralan na ito at dalawa lang ang mga naka-enroll na estudyante.
Gayunpaman, mayroon pa rin naman daw itong advantages, dahil ayon sa isa sa mga guro na si Holly Graves, nakakabuo sila ng magandang relasyon sa mga bata dahil labis nilang nakikilala ang mga ito.
Para naman sa dalawa nilang mga estudyante na sina Shannon at Molly, maluwag ang policy sa kanilang eskwelahan dahil hindi katulad ng typical school setup, pinapayagan daw sila na magpunta sa beach para doon gawin ang kanilang school work at pagkatapos nito ay pinapayagan silang magtampisaw sa tubig.
Pero ang eskwelahan, muntik nang ipasara ng lokal na pamahalaan dahil pakonti na nang pakonti ang mga estudyante. Ipinaglaban lang ng mga residente na panatilihin ang operation nito.
Sa katunayan, involved ang buong komunidad sa Duror Primary School dahil mayroon ding mga toddler na nagtitipon doon kasama ang kanilang guardians.
Umaasa naman ang lokal na pamahalaan na mapalaki ang populasyon sa eskwelahan, lalo na at nakikita rin ng mga residente na malaki ang magiging ambag nito sa kinabukasan ng kanilang lugar.
Para sa mga estudyante riyan, gugustuhin niyo rin ba ang ganitong setup? Konti man ang mga kasama, healthy naman ang learning environment.