Malaking bagay ang tuloy-tuloy na efforts para makapagpatayo ng dagdag na isolation facilities.
Ayon ito kay Dr. Mike Tee, miyembro ng OCTA research group dahil ang pagtatayo ng mga isolation facility ang solusyon para maiwasan ang mga hawaan sa mga pamilya.
Ipinabatid pa ni Tee na 87% ng mga nagkasakit ay mas mababa ang edad sa 70 subalit 62% ng mga namatay ay mula sa age category na ito dahil nahahawa sila sa mga mas batang nagtatrabaho o lumalabas kayat hindi uubrang makapag-isolate at physical distancing sa mga bahay.
Dulot na rin aniya ito ng multi generational households na bahagi ng kultura ng Pilipinas taliwas sa ibang bansa.
Sa atin kasi tayo-tayo, nag-aalaga tayo ng ating mga magulang, kaya may lolo, lola at bata kung ganyan ang sitwasyon napakaimportante ng ginagawa ng mga local government unit pati na rin ang mga universities at saka yung Red Cross para sa isolation facilities at ito yung nakikita kong sagot para hindi magkaroon ng hawaan sa bahay kasi nga mas bata ang lalabas kaya nga 80% ang may sakit na bata dahil sila ang kailangan magtrabaho saan sila nahahawa, yung mga matatanda mahahawa sila sa mga lumabalabas kasi yung bata lumalabas at yung matatanda hindi lumalabas dahil nga MECQ,” ani Tee.